Sunday, September 10, 2006

MIGS

para sa mga kaibigan ko na nagmamahal ng lubusan, sobra sobra hanggang sa dumating na sa punto na ubos na ang sarili nila...

para sa mga kaibigan ko na nagmamahal ng mga taong may mahal ng iba...

para sa mga kaibigan kong nagmamahal ng mga taong di karapat-dapat mahalin...

para sa mga kaibigan nagmamahal na lang ng mga taong di naman talga nila mahal...

para sa mga kaibigan kong nagmamahal dahil takot sila magisa...

para sa mga kaibigan kong nagpapakababa ng sarili para lang hindi mawala ang mga taong mahal nila...

para sa mga kaibigan kong laging nagpaparaya sa mga mahal nilang ni minsan ay di nagparaya para sa kanila...

para sa inyo itong lahat...

ANG PINAKAMASARAP NA MAGMAHAL AT MAHALIN AY ANG ATING MGA SARILI! NANINIWALA PA RIN AKO NA HINDI MO KELANGAN NG LALAKE PARA MAGING LUBUSANG MASAYA AT KUMPLETO ANG BUHAY MO. KELANGAN MO LANG PASAYAHIN AT MAHALIN ANG SARILI MO. HANAPIN MO ANG IYONG MGA PANGARAP ATTUPARIN MONG LAHAT ITO! UTANG MO YUN SA SARILI MO...SA BUHAY MO! AT KUNG MAKAKAKITA KA NG LALAKE NA SASAMAHAN KA SA PAGTUPAD NG MGA PANGARAP MO...MAGALING!

AT OO, MERONG GANUNG LALAKE NA HAHAYAAN KANG MAGING IKAW, AT MAMAHALIN KA DAHIL IKAW IKAW! MERON NUN! HINDI SYA ILUSYON O PANAGINIP! HINDI SYA SA LIBRO O SA TV LANG MAKIKITA!

WE ALL DESERVE TO BE LOVED AS MUCH AS WE LOVE OURSELVES! WE SHOULDN'T SETTLE FOR ANYTHING LESS THAN THAT!

No comments: